The All-new Bajaj RE: Ang Bagong Sasakyan Mo sa Bagong Biyahe

bajaj re

“My Ride, My Pride.” Ang pagsali sa mga eksklusibong bike shows at pagpapahayag ng sining sa pamamagitan ng personal na pagdidisenyo sa harap ng madla ay nakapagbibigay nakakakuryente, hindi maipaliwanag na pakiramdam at isang naiibang pagmamalaki para sa sariling motorsiklo. Kahit na ang mga Three-wheeler ng Bajaj ay hindi nakatakas sa mga mata ng mga pinoy na mahilig magpasadya ng iba’t ibang disenyo at istilo ng sariling sasakyan na angkop sa kanilang personal na kagustuhan. Kaya’t kung maaari itong gawin sa mga sasakyang may dalawang gulong ay siguradong may makaya ito ng mga tatlo o three-wheelers. Mas malaki na, mas mahusay pa – Astig!

Ang simetrikong pagkakaayos ng tatlong gulong ng Bajaj at ang matibay na pagkakagawa nito ay hindi lamang paborito ng marami dahil sa ganda nitong i-customize, ito rin ay tinatangkilik dahil mayroon din itong mas mahusay na potensyal na pinakamainam lalo na kung gagamitin sa mga kalsada ng Pilipinas. Dahil dito, ini-angat ng Trimotors Technology Corporation, ang exclusive distributor ng mga three-wheelers ng Bajaj sa Pilipinas, ang laro nila sa industriya sa pamamagitan ng paglabas ng bagong Bajaj RE kasama ang bagong marketing campaign na “Bagong Biyahe: Aarangkada na with Bajaj!” Ang Bagong Bajaj RE ay may kasamang mga bago at mas pina-lakas na features na tiyak na magpapasabi sa inyong “Ito na ang Bagong Sasakyan ko sa aking Bagong Biyahe.”

Narito ang pinakabagong mga upgrade ng Bagong Bajaj RE:

  • Pakinggan ang iyong paboritong tugtugin o awit mula sa Sleek Dashboard with MP3 player na lilibang sa iyo habang nasa daan,
  • Pinakabagong Rear Seat Metal Door upang bigyan ang iyong mga pasahero ng karagdagang kaligtasan at seguridad sa biyahe,
  • Kunin ang pinakabagong hitsura ng Ergonomic Seats na dinisenyo hindi lamang para sa pinakamahusay na ginhawa, kundi pati na rin sa pagggamit,
  • Magkaroon ng mas maaliwalas na view ang mga pasahero sa pamamagitan ng bagong Symmetrical Transparent Hood na ayos na ayos para sa site seeing,
  • At ang pinaka huli ay ang Smoother Engine Performance mula sa makina ng Bajaj RE na may 198.88 CC engine displacement. Ang mas tahimik at swabeng dating nito ay dala ng silencer assembly na naka-mount sa crankcase ng makina.

 

Sa halagang Php 182,888.00 SRP, ang Bagong Bajaj RE ay maaari mong makuha sa iba’t ibang kulay gaya ng Dilaw, Asul, Pula, Puti at Luntian o Berde.

Marami man ang nagbago sa Bajaj RE, mananatili parin itong “Ang No. 1 Three-wheeler” para sa Bajaj Philippines.