BAJAJ THREE-WHEELER, SIKRETO NG DATING SNACK VENDOR NA NGAYO’Y BIGTIME FRANCHISOR NA!

Natural sa pinoy ang galing sa pagnenegosyo o entrepreneurial mindset. Likas din ba ang biglaang paglago nito? Alamin ang kwento at sikreto ng negosyanteng ito.

Sa lungsod ng Calamba, Laguna ay nakilala ng Bajaj Philippines, exclusive distributor ng Bajaj Thre-wheeler  si Apple Mercado na nagsalaysay ng kanyang aniya’y negosyo success story. Ayon kay Apple, sinumulan niyang magbenta ng french fries, fishball, kwek-kwek, at siomai noong siya ay kolehiyo pa lamang. Sipag, tiyaga at passion sa pagnenegosyo ang dahilan kung bakit siya nagpatuloy dito.

Mula sa pagpundar ng isang maliit na food cart siya ngayo’y may-ari na ng isang kilalang milk tea shop sa Laguna. Nagsimulang mag-boom ang kanyang business ng i-upgrade niya ang pangkaraniwang ice scramble. Mula packaging, timpla, at online promotion ay kinareer at talagang pinag-isipan. Ngunit ang naka-agaw ng pansin ng mga parokyano ay ang inobasyon sa pagdistribute o pagbebenta nito, kung noo’y inilalako ito gamit ang bisikleta ngayo’y sa isang rolling store na gawa sa Bajaj Maxima Cargo. Patok na patok ang customized na Bajaj Maxima Cargo rolling store sa mga customers na pinangalanan pang Queen Scrambie rolling store.

Mas malaki [ang body at 236.2 CC na makina], mas tipid sa gas [Fuel Injection System], availability [800+ dealer stores] at abot kamay na serbisyo [700+ parts and service shops] ay ilan sa mga katangiang nabanggit nang tanungin si Apple kung bakit Bajaj Maxima Cargo ang three-wheeler niya.

Sa loob ng kalahating buwan o 16 days ay may balik-puhunan na sa Bajaj Maxima Cargo rolling store ng CM Ice Scramble dahil pumapalo ng halos Php 25,000.00 ang kinikita nito per day sa kapital na Php 400,000.00 lamang.

Makikitang maliban sa sipag, tiyaga at passion ay kinakailangan din ng isang negosyante ang mabisang solusyon gaya ng Bajaj Maxima Cargo na magdadala ng innovation sa hanap-buhay. Isang pahayag ang iniwan ni Apple Mercado para sa mga nagbabalak magsimula ng kani-kanilang negosyo “Tulad ko, kaya ka ring kargahin ng Bajaj Maxima Cargo tungo sa pag-asenso”.

Nais mo bang simulan na ang iyong negosyo? Bisitahin ang www.bajaj.com.ph o kaya’y mag-inquire sa fb.com/BajajPhilippines.