Kalahating tonelada, kayang kargahin sa Bajaj Maxima Cargo

Kung mabigat ang kargahin para maitawid ang negosyo, hindi mo kailangan ng mabigat sa bulsa na kapartner – inooffer ng three-wheeler na Bajaj Maxima Cargo ang suportang magaan sa bulsa o investment pero bigatin sa performance. Narito ang ilang negosyo na gumagamit nito bilang patunay:

Tube Ice Delivery | Bilib at subok na ng Ice Ba Ice Dealer ng Cavite City. Nakakaya ng 500kg carrying capacity ng Bajaj Maxima Cargo ang negosyo na ito” aniya ng may-ari.

Rice Dealership | Flatbed in three-wheels? ‘Yan ang signature design ng Bajaj Maxima Cargo. Sa lapad ng flatbed tray ay sulit ang bawat hatid na kayang bumitbit ng higit sa sampung sako ng bigas sabi ng Bigas Mo Po Rice Dealer ng Zambales.

Farming and Agriculture | Malakas na ang hatak pero tipid sa gas? Subok na ‘yan ng Bukid ni Juan, isang farm sa Zambales, sa Bajaj Maxima Cargo! May 236.2 CC engine at Fuel Injected (FI) System kasi ito na kayang tahakin kahit putikan at maihahatid ang mga ani ng fresh sa pamilihan.

Kung naghahanap ka ng susi at ka-partner sa pag-asenso, narito ang Bajaj Maxima Cargo. Inquire here: