BAJAJ RE, TUNAY NA NUMBER 1 SA TODA!

Kung pa-waisan lang ang pag-uusapan, di magpapahuli ang mga Ka-Bajaj TODA members d’yan! Pampasadang matipid, matibay at kumprotable ba ang hanap mo? Narito ang kwento ng MCMSLA TODA mula sa Antipolo City katuwang ang Bajaj RE, aarangkada na!

Subok sa Tipid | Napatunayan ng MCMSLA TODA members na subok sa tipid ang Bajaj RE dahil sa konsumo ng gasoline nito na umaabot ng 28km/L mula sa Fuel Injection System ng 198.88CC engine. Matipid rin sa maintenance ang Bajaj RE dahil sa tibay ng makina at factory-built configuration. Ani MCMSLA TODA Member Zosimo Delan, “Tumaas talaga ang kinikita ko dito sa Bajaj”.

Subok sa Tibay | Subok din sa tibay at ahunan ang Bajaj RE, “Sa halos isang taon kong pag-maneho dito [Bajaj RE], wala pa akong na-encounter na kahit anong trouble.” ayon kay MCMSLA TODA member Rowell Caling. Panalo ang heavy duty cv shaft at dual front fork suspension sa matarik na kalsada ng Antipolo City.

Subok sa Ginhawa | “Sa tricycle parang na bugbog ka at nagbarbel ka maghapon, pero sa Bajaj mas kumportable hindi mainit at hindi ka mababasa ng ulan” ‘yan ang advantage na nakita ni MCMASLA TODA member Arman Bayoguing. Walang kapantay ang ginhawa at comfort na dala ng Bajaj RE para sa mga miyembro ng MCMSLA TODA. Salamat sa heightened hood pipe at windshield, hindi na mapapasma sa pabago bagong panahon ang mga driver at pasahero. Tuloy ang kayod!

Gaya ng 100,000+ na nagtiwala sa Bajaj, nahanap na ng MCMSLA TODA ang bagong bida sa TODA – Bajaj Three-wheeler! Inquire na sa link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow

Check these other stories:

It takes Diskarte to Endure

BAJAJ THREE-WHEELER HUMATAW SA ENDURANCE RIDE

MUTI DRIVES KORONADAL CITY CLOSER TO TRANSPORT MODERNIZATION WITH BAJAJ THREE-WHEELERS