Three-wheeler na mas maraming maisasakay? Sagot na yan ng pinagsamang Bajaj Maxima Cargo at Motorela – Bajaj Maxirela! Halina at alamin natin ang istorya ng Leveriza-Pasay Transport Service Cooperative at kung bakit lamang ang byahe nila dahil sa Bajaj Maxirela!
MAX sa KITA – Kilala bilang Bajaj RE Capital ang Pasay City dahil napabilib ang Leveriza-Pasay Transport Service Cooperative sa tipid ng Bajaj RE sa gasolina. Mahigit pitungpung (70) nang myembro na ang nagpatunay sa cost-efficiency nito kaya naman naisipan nilang iminungkahi ang disenyo ng Bajaj Maxirela na kayang magsakay ng anim na pasahero sa isang biyahe o higit pa. Mas maraming maisasakay, mas malaki ang kita!
MAX sa TIBAY – Lumalaban din ang Bajaj Maxirela sa patibayan dahil kahit malayo o matagtag man ang daanan kayang kaya dahil sa heavy-duty CV shaft nito. Hindi rin problema ang ahunan dahil sa malakas na hatak ng 236cc DTSi FI Engine. Talagang lamang ang tibay kahit pumasada pa mula umaga hanggang gabi!
MAX sa KUMPORTABLENG BIYAHE – Modern feels na transportasyon ang hatid ng Bajaj Maxirela, mula sa mala-jeepney type seats para sa pasahero hanggang sa ergonomic drive cabin. Kung kaya naman sa compact na design ng sasakyan, kumportable ka umalan man o umaraw.
Hindi maikakailang lamang ka sa pasada kasama ang Bajaj Maxirela! Interesado ka ba sa Bajaj Maxirela? Inquire o order na! I-click ang link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow o kaya ay mag tungo sa www.bajaj.com.ph para malaman ang pinaka malapit na authorized dealer store sa inyong lugar.