Bajaj Maxima Cargo: Game Changer sa Buhay ng Isang Rice Trader

Game changer ba? Sino ang mag-aakala na ang isang rice trader na naghahanap lamang ng sasakyan para sa delivery, ay makakahanap din ng kaniyang susi sa pag-asenso at tagumpay.  Tunghayan natin ang kwento ng Ninja Moves Philippines at ng kanyang Bajaj Maxima Cargo.

Matipid kahit Long Distance – “Sa halagang 300 pesos na gasolina, makakabalik pa ako sa Olongapo galing Iba Zambales at may sobra pa!” pagbabahagi ng owner ng Ninja Moves Philippines, isang kilalang rice trader din. Sa isang araw na hatiran, naging madali ang byahe dahil sa fuel injection system ng Bajaj Maxima Cargo. Sa layo ng nararating dahil sa tipid ng gasolina talagang produktibo at tuloy-tuloy ang negosyo at kita.

Walang katulad na Tibay – Kaban-kaban ng bigas, mga upuan na pangparty at ultimo mga cabinet na gamit sa bahay ay kayang ikarga at ideliver paahon man ang daan! Dahil sa Heavy Duty CV Shaft nito na nagbibigay ng lakas at tibay na hindi matatawaran. Tunay na kasosyo sa negosyo na handang harapin ang anumang hamon sa daan.

Kumportable bawat Biyahe – “Hindi maikakaila ang lakas ng makina, hindi ka talaga mapapahiya sa anumang ahunan,” ani niya. Nananatiling komportable ang pagmaneho at walang ngalay sa Bajaj Maxima Cargo dahil sa 236.22 CC na engine. Nagbibigay ito ng sapat na lakas upang madaling makayanan ang mabibigat na karga lalo na sa ahon, lubak at tarik ng daan. May ergonomic seats din na dinisenyo para sa maximum comfort na sinisiguro ang komportableng biyahe kahit sa mahabang oras pa.

Patunay lamang na ang buhay ay puno ng mga sorpresa, ganon din sa negosyo. Sa halagang P25,000, maaari mo nang simulan ang iyong flexible na negosyo at marating ang tuktok ng tagumpay. Para sa mga inquiries at orders, i-click ang link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow o kaya ay mag tungo sa www.bajaj.com.ph para malaman ang pinakamalapit na authorized dealer.

Check out this other story:

Pop-up to Mobile Powerhouse: Kape on the Go na sa Bajaj Maxima Z!