Bajaj Three-wheelers: Alagang Walang Katulad, Kahit sa Kalamidad!

Walang katulad na alaga para sa mga Ka-Bajaj! Sa nagdaang kalamidad, walang alinlangang naghandog ng Libreng AfterCARE assistance ang Bajaj Philippines, upang bigyan ng pag-asa ang ilang Bajaj Three-wheeler owner na nasalanta ng sunod sunod na bagyo nitong mga nakaraan na buwan. Halina at alamin kung paano tinulungan ng mga Bajaj Espesyalista ang ating mga Ka-Bajaj.

Katuwang sa Tipid – Sa oras ng kalamidad, hindi nag-iisa ang mga ka-Bajaj! Agad kumilos ang mga Bajaj Espesyalista para maibalik ang tibay ng three-wheeler ng ilan nating mga Ka-Bajaj sa Naga, Legaspi at Batangas. Imbes na gumastos para sa maintenance, hatid ang agarang libreng change oil, Bajaj Genuine Oil, at filter para muling mapalakas ang biyahe ng bawat ka-Bajaj. Sa bawat byahe ng buhay, may katuwang kang maaasahan para makabangon at muling umarangkada.

Tibay na Maasahan– Sunod-sunod man ang unos, may Bajaj Genuine aftercare kang maaasahan!  Matapos makaranas ng kalamidad, kaagad naglunsad ng Libreng Diagnosis ang Bajaj Philippines. Mabilis na sinuri ang bawat three-wheeler para tiyaking walang sira o aberya. Bago pa man magbalik sa byahe, sinisigurong maayos ang lahat ng parte ng sasakyan para iwas hassle bago pa man umarangkada. Tiyak na ang tibay at handa na ulit ang iyong kasangga sa bawat byahe.

Di-matatawaran na Comfort– Panalo na sa comfort, panalo pa sa aftercare! Sa pamamagitan ng Free Service Campaign nung nakaraang bagyo, alay sa mga Ka-Bajaj ang serbisyong walang katulad. Imbes na mag-alala pa ang mga Ka-Bajaj kung paano asikasuhin ang kanilang three-wheelers, tayo na mismo ang lumapit at nagbigay ng agarang solusyon. Smooth at worry-free na serbisyo ang hatid, kaya’t mas panatag sila sa kanilang mga biyahe. Tunay ngang alagang all-in-one para sa ating mga Ka-Bajaj!

Sa bawat hamon ng buhay may katuwang ka, Ka-Bajaj! Sa halagang P14,000 down payment, siguradong hindi ka papabayaan dahil mayroon kang three-wheeler na kahit pa sa anong kalamidad walang katulad ang alaga. Para sa mga inquiries at orders, i-click ang link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow o kaya ay mag tungo sa www.bajaj.com.ph para malaman ang pinakamalapit na authorized dealer.