BAJAJ RE: HINDI LANG PANG-PASADA, PANG-KARERA RIN!

Bajaj RE, umaarangkada pati sa off road! Sino mag-aakala na ang Bajaj RE ay hindi lang pampasada, subok pa sa ano mang hamon ng daan. Matagumpay na ipinamalas ng ating mga Ka-Bajaj ang tibay at kakayahan ng Bajaj RE. Tunghayan natin kung paano napatunayan lna panalo din sa endurance ang World’s No. 1 Three-wheeler!

Tibay na Pang-champion – Bajaj RE, na karaniwang pampasada, ay nagpamalas ng pambihirang kakayahan sa Enduro Racetrack. Sa bawat lubak at bato, lalong tumitibay ang loob ng ating mga Ka-Bajaj. Ang kombinasyon ng dual front fork suspension at heavy-duty CV shaft ay nagbibigay ng kumpiyansa sa bawat harurot. Hindi rin matatawaran ang lakas ng 198cc engine nito, kaya’t kahit sa matarik na daan o mahirap na kondisyon, hindi basta-bastang mamamatay ang makina. Tunay ngang napatunayan ng Bajaj RE ang kanyang versatility at kakayahang umangkop sa iba’t ibang hamon ng kalsada.

Umaarangkada sa Maintenance – Sa kabila ng mga pinagdaanang hamon sa racetrack, hindi nagpahuli sa bilis ng arangkada ang Bajaj RE. Hindi lang matatag sa arangkada, tipid pa sa maintenance dahil hindi mo na kailangan gumastos ng malaki para mapanatiling nasa prime condition ang three-wheeler mo. Matipid pa sa gasolina na umaabot ng 28km/L kaya’t bawat kilometro ay siguradong sulit. Sa Bajaj RE, ang bawat arangkada ay hindi lang full throttle, kundi full savings din!

Humaharurot sa Comfort – Humarurot man kahit sa mga matagtag na daan, hindi yan problema sa ating mga Ka-Bajaj! Sa Bajaj RE, makakaranas ka ng ultimate comfort sa bawat pasada. Hindi hadlang ang anumang klase ng daanan dahil sa ergonomic seats na nagbibigay ng walang kapantay na ginhawa.  Siguradong bawat byahe, panalo ka sa kumportableng pasada!

Sa kalsada man o sa karera, hindi magpapatalo ang Bajaj RE. Maasahan na ka-partner sa kahit ano mang hamon. Kaya huwag nang mag-aksaya ng panahon dahil sa halagang P14,000 down payment sayo na ang three-wheeler na walang katulad sa tibay.  Para sa mga inquiries at orders, i-click ang link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow o kaya ay mag tungo sa www.bajaj.com.ph para malaman ang pinakamalapit na authorized dealer.

Check out these other stories:

Bajaj Maxima Z: Hindi lang pang negosyo, pang endurance race pa!

Bajaj Three-wheelers: Alagang Walang Katulad, Kahit sa Kalamidad!